Nasa Puso and Pilipinas

I just read a blog post and it talks “about the lack of self-esteem and love Filipinos have for our country.” from Buhayblog and its true that after decades ay malayo na sa kasalukuyan ang kagandahan. The Author made this essay for his class in PI 100.

Nasa Puso ang Pilipinas
(Philippines is in the heart)

Pilipinas, isa sa mga bansang hinirang na isa sa mga pinakamayaman noong dekada ’50 at ’60 sa rehiyong Asya. Nakakakain at nakakainom ang lahat ng tao at malinis pa tingnan ang Maynila noong mga panahon na ‘yon. Ang ating bansa’y laging nauuna sa mga bagay-bagay dito sa Asya. Nauna tayo magkaroon ng unibersidad, ang Unibersidad ng Santo Tomas, una magkaroon ng komersyal na airline, ang Philippine Airlines, at nanguna rin sa pagkakaroon ng intensive na railways, ang PNR at LRT. Dati’y ipinagmamalaki natin ang ating bansa dahil maunlad ito, masagana at malakas kung ikumpara sa ibang mga bansa. Kakaunti lang ang mahihirap at tumitingala ang ibang bansa sa ating mga nakamit. Ipinalalandakan natin sa mga dayuhan ang kagandahan ng ating mga karagatan at mga barangay.

Ngunit, tingnan natin kung ano na ang nangyari makalipas ang iilang mga dekada. Tayo ngayon ang nawala sa landas at binansagang “sick man of Asia” noong dekada ’70 at ’80. Bakit nga ba? Ano nga bang nawala sa ating mga Pilipino at lumagpak ang piso mula Php 2 laban sa US$1 at naging Php 42 ngayon? Bakit nga ba pumuputok na rin ang populasyon at naging mga 90 milyon na Pilipino na ang nasa bansa mula sa 60 milyon noong nakalipas na sampung taon? Bakit rin ba nagkaroon ng problema sa presyo ng bigas, kuryente at gasoline at patuloy silang nagiging pasakit sa badyet natin? At siyempre, bakit nga ba marami na ang lumipad at tumakbo na sa ibang bansa para magkaroon ng ika nga, greener pastures?

Kababayan, ang tanong ko sa’yo. Nakita mo naman ang mga dinaanan nating paghihirap at pagdurusa mula sa mga problemang ito diba? Karamihan sa atin ang sinisisi ay gobyerno at si Pangulong Gloria ngunit sila nga lang ba ang may kasalanan ng lahat ng ito? Siguro’y masisisi nga ito sa kabalastugan at kabuktutan ng sistema. Napayagan nito ang sobra-sobrang pagkurakot nila mula sa taong bayan at hindi man lang sila nahuhuli kasi sila-sila rin ang nakikinabang sa mga buwis na ating binabayaran. Pero kahit alam nating mayroong malawakang korupsyon sa ating bansa, bakit kakaunti lamang ang kumikilos? Bakit silang mga ama’t ina ng mga nangungurakot ay hindi naisip ang kapakanan ng iba pang mga Pilipino na naghihirap at hindi na nakakakain dahil sa anak nilang taksil sa bayan? Bakit iniiwan na lang ng maraming mga Pilipino ang mga mahihirap para kumita at magpasarap sa ibang bansa? Bakit pineperahan na lang ng mga malalaking kumpanya at mayayamang pamilya ang mahihirap at mas lalo silang pinapatay? Kulang nga ba tayo ng konsiderasyon para sa kapwa nating mga Pilipino?

Ngayon, ang ating bansa ang isa sa mga mayayaman ngunit higit daan-daan lang sa milyon-milyong mga Pilipino ang nakakaramdam nito. Isa rin ang Maynila sa mga siyudad na pinakamarami at pinakakalat ang mga squatters sa buong mundo. Pinakamalaki na rin tayong importer ng bigas sa lahat ng mga bansa dahil sa ating kakulangan para mapakain ang ating sobrang lumalaking populasyon. Malawakan na rin ang korupsyon at isa na tayo sa mga nangunguna sa larangang ito. At dahil nasabi ko na ang mga ito, masasabi mo bang ipinagmamalaki mo ang bansa natin? Baka sabihin mong hindi na dahil sa dumarami nating mga problema at dahil nga napag-iwanan na tayo ng ibang mga bansa sa ating paligid. Baka masyado ka ng nalungkot at nanghinayang sa mga problema at krisis na dinaranas ng PIlipinas. At dahil nanghinayang at nalungkot ka, baka nawalan ka na ng paki sa ating bansa dahil sa mga nangyaring ito. Nawalan ka na ng inisyatibo para simulan ang pagbabago. Nawalan ka na ng pag-asa at ikinahihiya mo’t ikinamumuhi mong PIlipino ka. Ngunit ang hindi mo alam, ang kawalan ng paki at tiwala ng mga Pilipino sa kapwa nila ang siyang pinakaugat nitong mga problemang ito.

Dahil nawalan na ng paki ang mga pulitiko sa ating mahihirap nating kababayan, pinaggagastusan na lang nila ang kanilang naglalakihang poster imbis na ilaan ang pera sa pagpapatayo ng mga bahay. Dahil nawalan na ng paki ang mga mayayamang pamilya at kumpanya, ipinapasa na lang nila sa maliliit na konsumer ang lahat ng kawalan ng kanilang kumpanya tulad ng Meralco. Dahil nawalan na ng tiwala ang mga middle class citizen ng ating bansa, umasa na lang sila sa ibang bansa para mabuhay nila ang kani-kanilang mga pamilya.

Sa totoo lang, makikita na rin ito sa ating kasaysayan. Nang manlaban ang sinasabi nating pambansang bayani na si Rizal sa rebolusyong ninanais ng Katipunan at ni Bonifacio, ipinakita niya na wala siyang tiwala sa kakayahan nila at binase niya lang ang lakas sa dami at ganda ng mga armas. Ipinakita rin ni Aguinaldo na wala siyang paki at pagmamahal sa kababaihan kaya’t hinayaan lang niyang gasahain at halayin lang sila ng kanyang mga tauhan.

Katulad ng mga sinasabi nating mga bayani, ang mga Pilipino ngayo’y nawalan na ng paki, tiwala at higit sa lahat, ang pagmamahal para sa bansa. Nawalan na tayo ng lakas para magtiwala sa gobyerno at nasira na ang ating self-esteem kaya ikinahihiya na natin ang Pilipinas sa ibang bansa. Kumbaga, kulang tayo ng yabang. Masyado na tayong tumitingala sa ibang bansa at pinabababa natin ang tingin natin sa sarili nating bansa. Ito ang pinakamalaking sakit na mayroon tayong mga Pilipino. Nawawalan na tayo ng paki at pagmamahal para sa ating Inang Bayan kaya umaasa na lang tayo sa ibang bansa.

Tingnan mo, kahit sa simpleng pamimili ng sapatos, makikita ang ating kawalan ng tiwala sa tatak Pinoy. Sa dalawang sapatos na magkapareho lang ang presyo, kalidad at hitsura, anong mas pipiliin mo? ‘Yung isang tinatakan ng Nike o ‘yung isang tinatakang galing Marikina? Marami sa atin ang pipili nung nauna. Kahit magkapareho na sila ng kalidad at ayos, mas pinili natin ‘yung Nike kasi mas nagtitiwala tayo rito kaysa sa isang sapatos na galing LANG sa Marikina. Hindi ba natin naisip kaya walang nabubuhay na kumpanyang sariling atin dahil sa ating kawalan ng tiwala at pagmamahal para sa Pilipinas?

Isipin mo, kung binili mo ‘yung Marikina Shoes, isang pamilya na ang susuweldo mula sa kumpanyang ‘yun at makakakain na sila sa buong araw. Kapag lumaki ang kumpanyang ito, mahihikayat na rin ang ibang mga malilit na Pilipino na magnegosyo dahil nagtitiwala ang mga Pinoy sa sariling atin. Kung mangyari ‘yun, umunlad na rin tayo unti-unti kahit pa 90 milyon tayo sa buong bansa.

Kung magsiuwian na rin ang mga OFW na nakaipon na, siguro’y maibabahagi nila ang kanilang mga natutunan at naranasan sa ibang bansa at ipakita nila sa mga Pilipinong naririto sa bansa. Kung magbigay na rin ang mga mayayamang pamilya ng kanilang mga sobra-sobrang yaman sa mahihirap, mas marami siguro tayong makukuha mula roon. Kung naipamahagi n g mga landlords nang mabuti ang lupain ng bansa, maibabahagi sana ito sa mga magsasaka at pakakapagtanim na sila ng bigas at maipapakain na ang milyon-milyong Pilipino na umaasa sa bigas.

Isipin mo kung ano ang mga magandang epekto ng pagkakaroon ng pagmamahal sa bansa diba? Noon namang dekada ’50 at ’60, sabi nila’y minahal ng mga nakatatanda ang ating bansa pero ang tunay na pagmamahal ika nga ay walang hangganan dapat. Kahit naghihikahos at nabaon na tayo sa utang, dapat manatili pa rin ang pagmamahal. Kung nawala ang Pilipinas sa puso ng mga Pilipino, masisira at mababaklas na rin ang ating bansa. Kahit sandamakmak na ang mga problema, dapat hindi nawawalan ng pag-asa. Dapat hindi talaga tayo mawalan ng paki, tiwala at pagmamahal sa ating bansa at sa ating mga kapwa Pilipino. Kaya kahit anumang krisis ang dumaan, alalahanin natin lagi na maliligtas lang tayo kung mananatili lamang sa ating puso ang Pilipinas na minahal natin noon, ngayon at sa hinaharap.

Here, I commented on his blog post [and it takes me also a little long explanation for this]

Than-than | May 19, 2008 at 12:24 pm
Ang noon ay hindi na tulad ngayon…may pag-asa pa ba tayong umunlad uli at habang buhay na laging namumuhay sa sagana, ang mga mamamayan sa pilipinas ay unti-unting dumadami dahil rin sa mga pangunahing problema natin ngayon; Pagkain na tulad ng Kanin na kinakain natin sa araw-araw, Enerhiya na tuloy tuloy na tumataas at ang kurapsiyon sa ating bansa.

Malamang ay kung sakaling uunlad tayo ay naka salalay pa rin sa atin ang mga mangyayari, Nawawala na rin ang salitang “Pakikipag tulungan” o sa isa pang tawag na “Bayanihan”

…yuko na, masyado nang mahaba lol~

to read his current blog post, please click here

Advertisements

One Response to “Nasa Puso and Pilipinas”

  1. Take a look at this post.

    They are almost the same, only that this link is in English.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: