Nakaka tuwa naman…

Namumublema aku ngayon sa PC namin, halos lahat ay may diperensya…ang OS ko ay nagkaroon ng virus lalong umagal at minsan ay nag-wawala kailangan kong i-reformat ito, sunod naman ang Monitor namin, nasira ito dahil na rin sa katagalan at sa tingin ko ay nabasa ang mga “spare parts” nito kaya marami rin ako hindi kayang gawin…at ang huli naman ay ang Keyboard namin, habang isinusulat ko ang entring ito, hindi naman halata na nahihirapan akong isulat ito, sadyang marami talagang naninirahan na langgam sa lugar namin kaya pati ang keyboard ay napag-diskitahan ng langgam, kinain ang mga goma nito sa loob ng keyboard [kakabili lang namin ang keyboard na ito] hirap na hirap akong pindutin ang letrang “B” at “M” pati na rin ang numero “2” sa Number Key.

Kasalukuyan ako ngayon nag-papahinga dahil napagod ako kahapon sa C.A.T. drills namin, dahil sa kaunti kong kasipagan ay na promote ako sa pagiging “1st Platoon Sargeant” sa NCO namin kaya ngayun ay namomroblema ako sa gastusin ng uniform na nag hahalaga na rin na mahigit 2000Php. Mayang hapon ay aalis pa ako para sa practice ng choir namin dahil isasama kami sa competition, wala ako ngayong magawa kaya takbuhan ko ang aming PC kaso nga lang ay marami akong hindi kayang gawin kaya hanggan ganito na lang ako, matagal na rin ako hindi nakapag hawak ng PC dahil sa dami ng ginagawa sa iskwelahan.

Noong isang linggo ay botohan na namin ng “School Society” kaya ako ay nangangampanya sa pagiging “4th Year Representative”. Marami akong naitulong sa partido namin pero ako lang ang tanging natalo sa partido namin pero marami ang umalma na bakit ako natalo, pati ang ibang guro sa amin ay nag-taka…alam kong maraming nagandahan sa ginawa ko pero sadyang tinalo ako dahil lamang sa pangalan, napartidahan pa ako ng aking kalababan, hindi siya pumasok noong araw ng pag-kampanya….natuklasan ko na lang na ang mga bagong dating na istudyante sa isa pang iskwelahan ay may naging guro sila na kaparehas ng apelido ng kalaban ko, tumawa na lang ako at patuloy pa rin sa mga ginagawa ko. May nag-tanong sa akin na istudyante tungkol sa platforn na forming of clubs isa na doon ang “IT Club” kung tuloy pa, sinagot ko: “Ahaha hindi na, kahit manalo ang platform na ginawa ko pero natalo ako, ay hindi matutuloy ang IT Club na ginugusto niyo.” umalis na lang siya at nalungkot sa nangyari…maya lang ay nag tanong ang crush ko kung nanalo ako, umiling na lang ako at sinabing “hindi ako nanalo” ang sagot niya ay “kuya, congrats na lang” na may ngiti sa kanyang mukha.

Sa mga nag-dadaang araw ay tuwing iniisip ko iyon ay ngumingiti na lang ako na parang wala sa sarili…wala lang…natuwa lang ako sa aking pinag-gagawa.

Marami ang naging malapit sa akin lalo na sa mga bata na nabigyan ko ng tuwa at sa mga babaeng nagiging malapit na rin sa akin.

Advertisements

2 Responses to “Nakaka tuwa naman…”

  1. meron pa pla CAT ngayon? kala ko nabuwag na at napalitan ng .. anu nga ba tawag dun ..public service?…. anyway mukha tagal kna hinde nakapg-update mukha natuluyan n pc mo 🙂

    sa iyong pagbabalik, ok lang ba palit tyo ng blogroll? 😉

  2. yup! merun pang CAT ngayun at merun pang community service ahaha napalitan lang ng public sa community. hindi na talaga aku akapag update ng blog dahil nga sa malaking pinsala ng PC ku ngayun eh family PC ang gamit ku ngayun…pinag dadasal ku nga na sana ay bigyan aku ng mga kamag anak ku ng isang munting laptop kahit luma bastat mapang gait ku sa pang podcast ku ahaha actually guastu ku nang i-update ang blog ku kung sakaling nasa mood aku para sa PC namin.

    walang po’ng problema kung makipag exchange link po tayu 🙂
    salamt sa pag bisita ng aking blog!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: